Thursday, June 4, 2009

MGA TANONG SA ATING BUHAY

Bakit nga ba napakaraming tanong sa ating buhay, mga tanong na mahirap madalas hanapan ng kasagutan katulad ng mga tanong na SAAN, KAILAN, PAPAANO, BAKIT at ANO?
Madalas na ang tanong natin ay SAAN?
SAAN natin sisimulan ang ating buhay?
SAAN nga ba lagi tayo nagkakamali?
SAAN ba patungo ang landas na ating tinatahak?
SAAN ba ang tamang lugar natin dito sa mundo?
At kung minsan naman kung hindi SAAN? ang tanong natin ay KAILAN?
KAILAN tayo makararanas ng ginhawa sa buhay natin?
KAILAN natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan ng buhay?
KAILAN nga ba ang tamang panahon?
KAILAN nga ba tayo makukuntento sa ating buhay?
O kung hindi naman ay PAPAANO?
PAPAANO tayo magsisimulang muli?
PAPAANO natin haharapin ang bawat hamon ng buhay?
PAPAANO kung isang araw magising tayo na wala na sa atin ang lahat?
PAPAANO natin kakayanin ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay?
O ang tanong naman natin ay BAKIT?
BAKIT nga ba ganito ang buhay natin?
BAKIT nga ba walang pangmatagalan sa mundo?
BAKIT hindi natin madalas magawa ang bawat gusto natin?
BAKIT nga ba maraming FILIPINO ang nagkalat sa buong mundo?
O kung minsan naman ay ANO?
ANO na nga ba ang nagawa na natin sa ating buhay?
ANO ang gagawin natin bukas at sa mga darating pa?
ANO ba ang tama sa sinasabing mga kamalian natin sa ating buhay?
ANO nga ba ang gagawin natin upang magbago ang buhay natin?

Kung saan, kailan, papaano, bakit at ano ay madalas hindi natin matagpuan
ang mga tamang kasagutan sa mga tanong na ito. Minsan akala natin ay tama na ang kasagutan na ating nasumpungan ngunit ang kasagutan pala na ating nahanap na, ay magiging isa rin na kamalian. Sa dami ng tanong sa ating buhay madalas nagiging tanong na lang ito. Dahil hindi na natin alam ang sagot kung ang kasagutan na ating nasumpungan ay magiging isa na namang tanong, tanong na dapat ay laging may kasagutan. Mga tanong ng buhay natin, Mga tanong na nagiging isang tanong na lang. Mga tanong na nababaon na lang sa limot o hindi kaya ay napaglilipasan na lang ng panahon. Napakaraming tanong marami rin ang kasagutan na kailangan, Madalas kasama ito sa pagikot ng buhay natin. Minsan nawawalan ng direksyon ang buhay natin dahil sa hindi mahanap na kasagutan. Bakit nga ba hindi mahanap ang sagot sa tanong?, Dahil ba tayo ay tao lamang? o hindi kaya madalas lang tayo na magalinlangan, Kaya napakarami natin na katanungan sa ating buhay? o madalas lang na gusto natin na magtanong?. Hanggang saan? hindi natin alam, Hanggang kalian? Walang tiyak na kasagutan. Ito ang mga tanong ng BUHAY na madalas itanong natin sa ating SARILI.

No comments:

"How to become teachable" 

#POWER Proverbs 1:7- The fear of the Lord is the beginning of knowledge; fools despise wisdom and instructions. 1. Passion to learn   ...